-- Advertisements --
Inilunsad ng India ang kanilang kauna-unahang nasal COVID-19 vaccine.
Ang iNCOVACC ay gawa ng kumpanyang Bharat Biotech na ito ay ginagamit sa pamamagitan ng drops.
Ayon sa mga eksperto na ang nasal vaccines ay maaring magbigay ng dagdag ng immunity lalo na sa ilong kung saan ito ang pinapasukan ng COVID-19 virus.
Nitong Disyembre lamang ay naaprubahan ng regulator sa India ang nasabing bakuna na nagkakahalaga ng $10 bawat isa.
Magugunitang noong Setyembre 2022 rin ay inaprubahan ng China ang COVID-19 vaccines sa pamamagitan ng spray.










