-- Advertisements --

Nakikipagtulungan na ang Department of Foreign Affairs sa Israel at iba pang bansa para malaman ang kinaroroonan ng isa pang Pinay overseas worker sa Israel na si Noralyn Babadilla na nawala matapos ang October 7 attack.

Tinanong din ng DFA ang ofw na si Jimmy Pacheco na dinukot din ng militanteng Hamas noong October attack at pinalaya noong Nobiyembre 24 kung nakasalamuha nito ang iba pang Pilipinong bihag.

Subalit ayon kay DFA USec. Eduardo de Vega, hindi alam ni Pacheco kung may iba pang Pilipinong bihag dahil ang alam nito ay wala siyang kasamang ibang bihag.

Sa kabila nito, umaasa pa rin ang opisyal na magkaroon ng milagro para sa kaligtasan ng nawawalang Pinay.

Matatandaan na mula sa mahigit 200 bihag ng Hamas nasa 58 ang pinalaya sa unang 3 araw ng tigil putukan habang nasa 117 Palestinian prisoners naman ang pinakawalan sa panig ng Israel.