-- Advertisements --

Matagumpay na inilunsad ng NASA ang rocket mula sa Northern Territory ng Australia.

Naging makasaysayan aniya ito ng dahil sa ito ang kauna-unahang commercial spaceport launch sa labas ng US.

Lumipad ang rocket mula sa Amhem Space Center sa Dhupuma Plateau sa Nhulunbuy.

Inaasahang bibiyahe ang nasabing rocket sa 300 kilometers sa kalawakan para magsagawa ng obserbasyon sa Alpha Centauri A and B constellations.

Ito ang rin ang unang tatlong paglunsad na susunod ay sa July 4 at July 12.

Sinabi ni Michael Jones ang executive chairman at grouop CEO ng Equatorial Launch Australia na isa itong makasaysayang paglipad.