-- Advertisements --

NAGA CITY – Tinatayang aabot sa P500,000 ang nakuha ng mga magnanakaw sa isang tindahan ng cellphone sa Brgy. San Vicente, Pili, Camarines Sur.

Kinilala ang may ari ng nasabing tindahan na sina Manuel Evangelista Jimeno IV, 45-anyos at Carol Solano Evangelista, 44-anyos, kapwa residente ng Capitol Planes Subdivision, Brgy. San Agustin, sa nasabing bayan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay PLt. Fatima Lanuza, tagapagsalita ng Pili Municipal Police Station (MPS), sinabi nito na pwersahang sinira ng mga suspek ang padlock ng roll up door ng nasabing tindahan.

Dahil dito, iba’t-ibang uri ng cellphones at tatlong laptop na naka-display sa tindahan ang nakuha ng mga suspek.

Nabatid din na gabi nang mangyari ang insidente habang may nagpapa-repair sa nasabing tindahan.

-- Advertisement --

Kung kaya, pinaniniwalaan na isa sa mga trabahador ng nasabing tindahan ang suspek kung kaya hindi rin ito agad napansin ng katapat ding tindahan.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad habang patuloy pa ring inaalam ang maaaring pagkakakilanlan ng nasabing suspek.