-- Advertisements --

Nasa halos 70 katao na ang nasawi sa patuloy na labanan sa pagitan ng sundalo at Rapid Support Forces (RSF) paramilitary group.

Hindi rin bababa sa 600 na katao ang itinakbo sa pagamutan matapos na masugatan dahil sa insident.

Pinaulanan ng bomba gamit ng fighter jets ang bahagi ng Khartoum ang lugar na pinamumugaran ng mga Rapid Support Forces.

Nagbunsod ang labanan dahil as pagnanais ng dalawang magkaribal na puwersa una ay sa pamamagitan ni Abdel Fattah al-Burhan ng Sudan’s military at si Mohamed Hamdan Dagalo ang commander ng paramilitary Rapid Support Forces (RSF).

Ang dalawang grupo ay dating magkaalyado dahil sila pa ang nagpatalsik kay Sudanese President Omar al-Bashir noogn 2019 at sila rin ang nasa likod ng military coup noong 2021.

Dahil sa nasabing kaguluhan ay nanawagan na ang Arab Leageu ganun din ang African Union ng tigil putukan.