-- Advertisements --

Kabuuang 594 na mga pulis ang nakatakdang ilagay sa mga quarantine facilities sa Metro Manila para matiyak na wala nang tatakas sa kanilang pagka-quarantine, ayon sa DILG.

Ito ang naging tugon ng DILG sa mungkahi ni Pangulong Rodrigo Duterte na magpadala ng mg apulis sa mga quarantine facilities para hindi na maulit pa ang insidente sa Makati CIty.

Ang nasa 600 na mga pulis na ito ay ide-deploy sa 297 quarantine facilities sa National Capital Region.

Tiniyak naman ni Interior Undersecretary Jonathan Malaya na mayroong sapat na bilang ng mga pulis na ipapadala sa mg quarantine facilities sa labas ng NCR.

Magkakaroon aniya ng “mobile force battalion” sa kada probinsya, distrito, at rehiyon.

Maging ang mga pulis na nakadistino sa mga checkpoints ay ide-deploy din sa mga quarantine facilities.