-- Advertisements --

NAGA CITY-UMABOT na sa kabuuang 479.15 ektarya ng sakahan ang apektado ng nararanasang El Niño Phenomenon sa bahagi ng Bicol Region para sa buwan ng Marso 2024.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay (insert nalang po si name and position mayong nakabugtak sa folder, pahapot nalang po si Maam Blads), sinabi nito na ang nasabing datos ay mula sa iba’t ibang probinsiya ng Rehiyong Bikol kung saan aktwal na nararanasan ang epekto ng matinding tagtuyot.

Kaugnay nito, apektado ng naturang weather phenomenon ang nasa 148 na ektarya ng sakahan sa lalawigan ng Camarines Sur habang umabot naman sa 250 hectares sa Albay at 80 ektarya ng palayan sa lalawigan ng Masbate.

Ayon pa sa opisyal, umabot na rin sa nasa 526 na mga magsasaka sa buong Bikol Region ang apektado ng matinding tagtuyot kung saan sa bahagi ng Camarines Sur nakapagtala ng nasa 160 totally affected farmers habang nasa 302 na magsasaka naman ang apektado sa Albay at 64 sa Masbate.

Sa latest na ndatos na hawak ng National Irrigation Administration -Bicol para sa monitoring ng El Niño damages, lumalabas na ang Camarines Sur at Albay ay nasa stress level na, ibig sabihin mayroon pang suplay ng tubig para sa mga irrigation pero umabot na ang water level sa critical sources.

Dagdag pa ng opisyal, kailangan na ng augmentation pumps upang mabomba sa mga kanal ang tubig upang mapunta o umagos ito sa mga itinanim na palay lalo pa’t ang mga ito ay nasa vegetative state kung saan kailangan na kailangan ng sapat na suplay ng tubig upang ma-sustain ang paglaki.

Malungkot naman na ibinahagi ng opisyal na ang nasa 80 hectares na sakahan sa bahagi ng lalawigan ng Masbate ang nasa damage level, ibig sabihin tuyo na umano ang mga lupa at walang sapat na mapagkukuhanan ng tubig.

Samantala, sa bahagi naman ng Camarines Norte at Sorsogon wala pang naitatalang pinsala ng El Nino at wala pang apektadong mga magsasaka.

Tiniyak naman ni (apelyido ni Maam) na tuloy-tuloy ang pagpa-abot ng tulong ng NIA-Bicol sa mga apektadong areas gaya na lamang ng pagpapahiram ng apat na augmentation water pumps sa mga ito na makakatulong sa pagkakaroon ng sapat na suplay ng tubig sa mga palayan.

Sa ngayon, inaasahan pa ng National Irrigation Administration -Bicol na madadagdagan pa ang bilang ng mga ektarya ng sakahan ang maapekuhan ng matinding tagtuyot sa mga susunod na mga buwan.