CEBU CITY – Dinagsa ng mga deboto ang novena mass nitong araw sa Basilica Minore Del Sto. Niño lalo na at papalapit na ang Sinulog sa Cebu.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Fr. Aladin Luzon, OSA ng Basilica Minore Del Sto. Niño, sinabi nito na aabot ng hanggang 20,000 mga deboto ang nagsimba upang mag-alay ng dasal sa Batang Hesus.

Dahil dito, pinayuhan ni Fr. Luzon ang publiko na kung maaari ay iwasan ang pagdadala ng malalaking bag upang hindi magkaroon ng delay sa inspection process.

Mainam din aniya kung magdala ng tubig at pamaypay upang maibsan ang init ng panahon sa loob ng pilgrim center.

Nagpaalala din si Fr. Luzon sa mamamayan na sumunod sa mga itinakdang security measures ng PNP upang maging matiwasay ang ginaganap na mga novena mass.

-- Advertisement --

Napag-alaman na may isinagawang hourly mass sa loob ng naturang simbahan mula alas-4 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon at nagpapatuloy ito hanggang sa araw ng fiesta ni Sto. Niño ngayong Enero 19.