-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Pangungunahan ng City Local Environment and Natural Resources (CLENRO) ang paglibing ng nasa 1,000 karne ng baboy na pasekretong itinapon sa Barangay Balulang sa lungsod.

Sinabi ni Raymund Cartagena ng CLENRO na kanilang ililibing sa Pagalungan, Barangay Lumbia ang karne ng baboy na mayroon ng masangsang na amoy.

Ayon kay Cartagena na kanila na lamang ipinagkatiwala sa City Health Office (CHO) ang pagsagawa ng imbestigasyon upang matukoy kung sino ang may-ari ng itinapong karne.

Hindi naman nakitaan ng mga senyales na tinamaan ng African Swine Fever (ASF) ang assorted cut na karne.

Posibleng umanong nabulok sa freezer ang mga karne kung kayat itinapon na lamang ang mga ito.