ILOILO CITY – Arestado dahil sa pagsasagawa ng illegal fishing ang 14 mga crew na sakay ng isang fishing vessel sa Concepcion, Iloilo.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Police Staff Sergeant Edzel Ray Casia, imbestigador ng Concepcion Municipal Police Station, sinabi nito sa isinagawa ang joint operation ng Provincial at Municipal Bantay Dagat Task Force ng Concepcion.
Ayon kay Casia, dalawa sa mga arestado ay nasampahan ng kaso at ito ay sina Jovan Bantillo, 40 na kapitan ng fishing vessel, at si Arnel Bedias, 47, na makinista at pawang residente ng Barangay Pantalan, Carles, Iloilo.
Sinabi ni Casia na nasa 15 mga banyera ng isda ang kanilang nakumpiska.
Ibinahagi naman sa mga charitable institution ang mga nakuhang isda.
Napag-alaman na limang taon nang ipinapatupad ng BFAR ang total ban sa super haul boat dahil nahuhuli nito maging ang maliliit na mga isda.