-- Advertisements --

Hinatulan ng military junta court sa Myanmar ng panibagong tatlong taong pagkakakulong ang napatalsik na lider ng Myanmar na si Aung San Suu Kyi dahil sa paglabag sa Official Secrets Act.

Kasamang nasentensiyahan ang kaniyang Australian economic adviser Sean Turnell matapos ang 18 buwan na pagdinig sa naturang kaso.

Na-convict din sa parehong kaso ang dating mga Cabinet members ni Suu Kyi kabilang sina Finance Minister Kyaw Win, ang successor nito na si Soe Win at deputy minister Set Aung.

Sa unang bahagi ng Setyembre ngayong taon, hinatulan din si Suu Kyi ng tatlong taon na pagkakakulong dahil naman sa election fraud.

Humaharap na ngayon ang dating Myanmar leader ng kabuuang 23 taong imprisonment simula ng mapatalsik ito ng junta mula sa gobyerno noong Pebrero 2021.