Sinentensiyahan ng junta court sa Myanmar ang napatalsik na civilian leader na si Aung San Suu Kyi ng anim na taong pagkakakulong dahil sa apat na kaso ng korupsyon.
Sa ngayon hindi pa naglalabas ng pahayag si Suu Kyi kasunod ng panibagong hatol laban sa kaniya.
Si Suu Kyi ay nasa military custody mula ng mapatalsik ito dahil sa coup d’etat na inilunsad ng military junta noong Pebrero ng nakalipas na taon.
Una nang nasentensiyahan ang 77 anyos na Nobel Laureate ng 11 taong pagkakakulong para sa kasong corruption, incitement laban sa militar, paglabag sa COVID-19 rules at paglabag sa telecommunications law.
Humaharap din si Suu Kyi sa iba pang criminal charges kabilang ang paglabag sa official secrets act, corruption at electoral fraud na maaaring makulong ng ilang dekada kung sakaling ma-convict sa lahat ng kaso.