leopard cat
Visayan leopard cat in Aklan

KALIBO, Aklan – Nakatakdang ibalik ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa kanyang tahanan ang isang Visayan leopard cat makaraang ma-rescue ng ilang residente sa Barangay Dingle, Banga, Aklan.

Ayon kay Niel Fuliton ng Provincial Veterinary Office, nanghihina na umano ang naturang pusa ng makita ni Jone Colas na nangangahoy sa naturang lugar kung saan, kaagad naman itong dinala sa tanggapan ng pulisya.

-- Advertisement --

Nabatid na simula 2002, ito ay itinala bilang kabilang sa dapat ikabahala ayon sa International Union for Conservation of Nature (IUCN) bunsod sa banta ng pagkawala ng kanilang habitat o tirahan.

Ang pusang leopardo ay may malawak na distribusyon kung saan mayroon itong 12 subspecies na magkakaiba sa hitsura.