CENTRAL MINDANAO – Nanaig pa rin ang incumbent mayor ng Cotabato City sa katatapos lamang na halalan.

Kagabi ay naproklama na ng city canvassers si incumbent Cotabato City Mayor Frances Cynthia Guiani Sayadi laban sa kanyang katunggali na si Maguindanao Ist District Rep. Bai Sandra Sema.

Agad nagpasalamat si Mayor Sayadi sa mga sumuporta, bomoto at naniniwala raw sasa kanyang kakahayan na pamunuan ang lungsod na Cotabato.

Maliban kay Guiani-Sayadi,naiproklama na rin si incumbent Vice-Mayor Nazer Dumama at First City Councilor Japal Guiani lll.

Habang ang iba ay hinihintay pa na matapos ang bilangan dahil makakaapekto pa ito sa kanilang ranking.