Nanguna ang namayapang pop singer na si George Michael na nominado para Rock & Roll Hall of Fame ngayong taon.
Sa 14 na nominado ay walo dito ang first-timers gaya nina Sheryl Crow, Cyndi Lauper at ang namayapang singer na si Warren Zevon kasama ang bandang New Order at rock duo na The White Stripes.
Nagbabalik naman bilang nominees ang singer na si Kate Bush, heavy metal band na Iron Maiden, rock band na Rage Against the Machine, rock group na Soundgarden, R&B group na The Spinners at hip hop group A Tribe.
Sinabi ni Rock & Roll Hall of Fame Foundation chairman John Sykes na ang nasabing mga singers ay may malaking epekto ang kanilang kanta sa mga nagdaang henerasyon.
Para makasama sa nominasyon ay dapat nailabas nila ang kanilang kanta ng hanggang 25 taon.
Magugunitang noong nakaraang taon ay tinanghal bilang Rock&Roll Hall of Fame ang new wave band na Duran Duran, country music legend na si Dolly Parton, rocker Pat Benatar, pop group na Eurythmics at singer na sina Lionel Ritchie at Carly Simon.