-- Advertisements --

‘Inamin naman ni US President Donald Trump na kailangan kumilos na ang lahat lalo na ang kongreso nila upang hanapan ng sulusyon ang matagal na panahon na isyu sa gun violence.

Tinawag pa nito na ang dalawang pag-atake ay gawain ng mga taong labis ang problema sa utak o kaya “very, very seriously mentally ill.”

Bukas may mahalaga umanong iaanunsyo na gagawin ang Presidente ng Amerika.

“This has been going on for years, for years and years in our country and we have to get it stopped,” ani Trump.

Samantala, kanya-kanya ng kwento ang mga survivors sa magkasunod na deadly mass shooting incidents sa estado ng Texas at Ohio.

Sa El Paso, Texas, kabilang sa naging bayani ang isang ina na sinalo ang mga bala mula sa namaril na suspek para makaligtas ang kanyang baby.

Ang ina na si Jordan Anchondo, ay namatay nang proteksiyunan mula sa tama ng bala ng 21-anyos na gunman na nakapatay ng 20 katao at maraming sugatan sa isang malaking shapping area.

Ang mister nito ay patay din.

Isa namang Army veteran ang tinamaan ng bala habang nasa CR na kinilalang si Arturo Benavides, habang swerteng nakaligtas ang kanyang mister.