-- Advertisements --

Nilinaw ng citizen’s arm ng Commission on Elections (Comelec) na Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) ang nakitang hindi pagkakatugma ng mga vote counts mula sa physical copies ng election returns sa digitally transmitted results ay hindi nangangahulugan na may iregularidad.

Ayon sa tagapagsalita ng PPCRV na si Atty Vann dela Cruz na ang discrepancies sa tabulations ay nasa isa o dalawang boto lamang para sa isang kandidato sa presedential, vice-presidential o senatorial race.

Kung kayat ang maliit na bilang na ito ay hindi aniya makakaapekto sa mahigit 31 million boto ng presidential frontrunner na si presumptive president Ferdinand Bongbong Marcos at pumapangalawa sa presidential race na si VP Leni Robredo.

Ayon pa kay dela cruz mayroong apat na election returns umano ang nadiskubre ng kanilang volunteers na hindi nagtugma sa electronically transmitted ERs.

Ang ERs na may discrepancies sa actual vote count ay mula sa Mandaon, Masbate, mula sa munisipalidad ng Pitogo at Sariaya sa Quezon province at sa Lapu-lapu city sa Cebu province.

Ang magkaibang bote counts na ito ay nakita mula sa batch ng ERs na manual na vinavalidate ng PPCRV nitong Biyernes na ikinukumpara sa digitized results na ipinapadala sa transparency server sa UST command center ng PPCRV.

Kaugnay nito, ipinaalam na ang PPCRV sa Comelec ang naturang insidente at kasalukuyang inaantay pa ang eksplanasyon ng poll body.

Tiniyak naman ng poll watchdog na angnaturang findings ay hindi indikasyon na may nangayayring fraud.

Ito ang unang pagkakataon na may nakitang inconisistencies ang PPCRV sa actual vote counts.