-- Advertisements --
Pansamantalang itinigil ang operasyon ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) nitong Sabado ng umaga dahil sa masamang lagay ng panahon.
Maliban kasi sa malakas na buhos ng ulan, nagtaas din ang mga otoridad ng red lightning alert.
Naitala ang mataas na alerto kaninang alas-8:16 ng umaga.
Bunsod nito, daan-daang pasahero ang hindi agad nakabyahe dahil sa panganib na dala ng mga kidlat.
Paliwanag ng pamunuan ng NAIA, ginagawa nila ang suspensyon sa paglipad ng mga eroplano, para sa kaligtasan ng kanilang mga pasahero.
Nagkaroon din ito ng domino effect sa iba pang flight na nanggagaling sa mga lalawigan at maging sa mga paparating na mula sa ibang bansa.