Inaaasahang magdadala ng P900 bilyong kita para sa national goverment ang modernisasyon ng Ninoy Aquino International Airport bilang consession agreement sa Public-Private Partnership (PPP) nito.
Ang NAIA Public-Private Partnership (PPP), sa loob ng 25 taong kasunduan nito sa nanalong concessionaire, ay magbibigay-daan sa gobyerno na kumita ng P36 bilyon taun-taon at i-redirect ang mga kita nito sa iba pang mga proyektong panlipunan at imprastraktura.
Nauna nang iniulat na noong Biyernes sa pag-anunsyo ng nanalong concessionaire para sa NAIA modernization, ang gobyerno ay makakakuha mula sa SMC-SAP Co. Consortium ng garantiyang P30 bilyon bilang paunang bayad at P2 bilyong annual payments, ayon sa Department of Transportation (DOTr).
Kung ikukumpara, ang Manila International Airport Authority (MIAA) ay nakapag-remit ng P23.3 bilyon mula 2010 hanggang 2023 o P1.78 bilyon taun-taon.
Ang huling major capacity expansion ng NAIA ay noong 2008, nang ang Terminal 3 nito ay nagkaroon ng kapasidad na 35 milyong pasahero taun-taon.