-- Advertisements --

Inamin ng Consul General Antonio Morales na nagpadala muna ang mga ito ng sulat bago sa Hong Kong bago pumunta doon si dating Department of Foreing Affairs (DFA) Sec. Albert del Rosario.

Pero sinabi ni Morales na sa kabila ng pagpapaalam nila sa Hong Kong government na makapasok doon ang dating kalihim ay wala raw silang natanggap na tugon.

Aniya may mga pagkakataon namang sumasagot ang Hong Kong sa kanilang sulat pero sa kaso ni Del Rosario ay walang tugon ang naturang bansa.

Dahil dito, inakala raw nilang wala nang magiging problema ang pagpasok doon ng dating DFA secretary.

Nakatakda sanang dumalo si Del Rosario sa isang business meeting nang harangin sa Hong Kong airport.

Naniniwala ang kampo ni dating Foreign Affairs Sec. Albert Del Rosario na kailangan ng Pilipinas na maghain ng diplomatic protest matapos harangin ang dating kalihim sa Hong Kong International Airport.

Sinabi ni Anne Marie Coromina, legal counsel ni Del Rosario, na hindi katanggap-tanggap ang pagtrato kay Del Rosario.