-- Advertisements --

Naaalarma na ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa dumaraming namo-monitor na mga nagkalat na medical waste, kasama na ang ilang face mask at guwantes ng hindi matukoy na mga tao.

Ayon kay DENR Usec. Benny Antiporda, mapanganib ito kapag napabaayaan kaya nananawagan na sila sa local government units (LGUs) na tulungan sila sa ganitong problema.

Kung kakalat kasi ang mga ginamit ng isang infected ng COVID-19 ay baka makahawa ito sa iba pang mga tao.

Hiling din ng ahensya sa mga lokal na opisyal, isama sa pagsusuutin ng personal protective equipments (PPE) ang mga kolektor ng basura, para sa kaligtasan ng mga ito na maituturing ding frontliners.