Statement mula kay SPIA CEO Eric M. Gottschalk:

Una sa lahat, nais namin papurihan ang Pilipinas sa pag-host ng 30th Southeast Asian Games (SEA Games).

Ang gawain na mag-host ng international sporting event ay napakahirap at napaka-lawak. Subalit ang Pilipinas ay nagampanan ito ng maayos at mahusay sa kabila ng maraming pagsubok.

Kaya ito ang rason kung bakit kami sa SPIA ASIA ay nagbigay ng Excellence Award sa Philippine South East Asian Games Organizing Committee (PHISGOC). Subalit ang pagkilala na ito ay hindi lamang sa mga organizer kundi pati na rin upang bigyan pagpupugay sa bawat Pilipino. Ang tagumpay ng organizing committee ay nakasalalay rin sa paghihirap at pagpupursige ng kabuuang tauhan, ahensya at mga volunteer sa SEA Games at maging sa pakikipagtulungan ng buong bansa.

Ang pag-host ng Pilipinas sa SEA games ay maaaring mapagsigla muli ang pagusbong ng sports industry sa bansa.

Ang Organizing Committee ay nabigyan ng SPIA ASIA Excellence Award dahil tagumpay ng pagpa-plano sa pag-host ng 30th edition ng SEA games.

Si PHISGOC Chairman at Philippine House of Representatives Speaker Alan Peter Cayetano ang tumanggap ng simbulo ng pagkilala mula sa SPIA Asia.

Kada taon, ang SPIA Asia ay kumikilala sa mga espesyal na kontribusyon at narating ng isang host country–nagawa na namin ito sa Bangkok, Thailand. Hindi ito kakaiba sa ano mang paraan sa nangyari ngayong taon sa Pilipinas.

Noong SPIA Asia 2015, ang Philippine Sports Commission ay nag-anunsyo na plano nila na mag-host ng SEA Games kung saan ang pananaw nila ay makagawa ng isang world sporting event sa Pilipinas.

Ang pangako na magsagawa ng maraming laro sa mas malaki at malawak na perspektibo ay muling ini-ulat ng PHISGOC sa SPIA Asia 2018. Ngayong taon, nakamit ang planong ito matapos ang napakaganda at napakaayos na opening ng 30th SEA Games.

Dahil sa maliwanag na pananaw at walang humpay na paraan upang makamit ang pangarap na ito sa 30th SEA Games, kaya namin pinaparangalan ang Pilipinas “for a job well done.” Pangarap namin na sana ang ibang bansa ay ma-inspire sa pag-host din ng maayos na SEA Games sa mga susunod na mga taon.