-- Advertisements --

Lalo pang bumagal ang bagyong may international name na Surigae, habang papalapit ito sa Pilipinas.

Ayon kay Pagasa weather specialist Shelly Ignacio, huling namataan ang sentro ng sama ng panahon sa layong 1,140 km sa silangan ng Mindanao.

Inaasahang papasok ito sa Philippine area of responsibility (PAR) sa darating na Biyernes at bibigyan ng local name na “Bising.”

Taglay na ng bagyo ang lakas ng hangin na 85 kph at may pagbugsong 105 kph.

Dahil sa mabagal na pagkilos nitong pakanluran, inaasahang lalakas pa ang weather disturbance hanggang umabot sa typhoon category.