-- Advertisements --

Magsisimula na bukas, April 15, 2026 ang Play-In Tournament sa National Basketball Association (NBA), ang hudyat na pagtatapos ng regular season at tuluyang pagsisimula ng postseason para sa 2026 Playoffs.

Ang Play-In ang magiging daan upang matukoy kung anong koponan ang makakakuha sa spot No. 7 at No. 8, kapwa sa Eastern at Western Conference bago ang Playoffs.

Sa unang araw ng naturang turneo, nakatakdang maglaban ang Charlotte Hornets at Miami Heat para sa East habang maghaharap naman ang Phoenix Suns at Portland Trailblazers sa West.

Ang mananalo sa pagitan ng Hornets at Heat ay may tyansang lalaban para sa ikawalong puwesto sa East, habang ang mananalo sa pagitan ng Suns at Blazers ay magiging pang-pito sa West.

Sa susunod na araw, April 16, nakatakda namang magharap ang Philadelphia 76ers at Orlando Magic kung saan ang mananalo ay otomatikong makakapasok sa playoffs.

Susundan ito ng laban sa pagitan ng Golden State Warriors at Los Angeles Clippers para na isang do-or-die game.

Kasabay nito ay naghahanda na ang buong NBA para sa tuluyang pag-arangkada ng Playoffs at 2026 Finals pagsapit ng Hunyo. Nagsisilbing defending champion ang Oklahoma City Thunder na sa kasalukuyan ay may hawak sa pinakamagandang record.