Naglaan pa rin ang Kamara de Representantes ng upuan para kay Vice President Sara Duterte sa ikalawang hearing ng Committee on Justice para sa dalawang natitirang impeachment complaint laban sa pangalawang pangulo.
Sa naging coverage ng Bombo Radyo Philippines, napansin ng news team ang isang upuan na naka-laan para sa pangalawang pangulo ngayong araw, April 14.
Kung dumalo sana ang pangalawang pangulo, siya ay uupo sa pagitan ng dalawa sa kaniyang mga kritiko: ML Party-list Rep. Leila de Lima at Manila 6th District Rep. Benny Abante.
Ang dalawang mambabatas ay pareho ring nag-endorso sa magkaibang complaints laban kay VP Sara.
Maalalang hindi dumalo ang pangalawang pangulo sa unang hearing na ginanap noong Marso-25, 2026 ngunit naglaan din noon ang komite ng mauupuan ng pangalawang pangulo.
Sa naturang hearing, magkakasunod na inaprubahan ng komite ang subpoena duces tecum laban sa ilang mga dokumento at mga personalidad tulad nina Ramil Madriaga, ang nagpakilala bilang dating ”bagman” ni VP Sara, atbpa.
















