Nakikitang dahilan ng ilang eksperto sa bahagyang pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa Metro Manila ay dahil sa na-detect na mas nakakahawang bagong Omicron subvariant sa bansa.
Base sa latest monitoring ng OCTA, iniulat ni Dr. Guido David na ang COVID-19 infections sa Maetro Manila ay tumaas ng 8 porsyento sa nakalipas na linggo.
Patuloy naman ang pagsubaybay ng OCTa sa sitwasyon sa mga susunod na linggo para makita kung ang Omicron subvariants ay magdudulot ng isang tinatawag na sustaoned increase sa mga kaso kasunod ng nadetect na presensiya ng subvariants na BA.2.12.1 at BA.4 sa bansa.
Pagtaya naman ni Dr David na kahit na magkaroon ng breakthrough infection ng BA.4, nakikitang nasa 5,000 kaso lamang ang pinakamataas na bilang na maitatala dahil sa malakas na immunity bunsod ng pagbabakuna laban sa sakit.
Sa ngayon, nananatiling nasa low risk classifictaion para sa COVID-19 ang buong Maetro Manila.
Muli namang hinihikayat ang publiko na patuloy na sumunod sa mga minimum public health standard habang ang mga hindi pa nababakunahan ay hinihimok na magpaturok ng bakuna laban sa virus.
















