-- Advertisements --

Itutuloy pa rin ni Spanish tennis star Rafael Nadal ang pagharap niya sa semifinals ng Wimbledon laban kay Nick Kyrgios.

Ito ay kahit mayroong seven millimeter na sugat sa tiyan.

Nalaman na lamang ang kaniyang sugat ng sumailalim siya sa scan matapos ang panalo niya kay Taylor Fritz sa quarter-finals sa score na 3-6, 7-5, 3-6, 7-5 at 7-6(10/4).

Dagdag pa ng 36-anyos na Spanish tennis star na kaniyang gagawin ang lahat na makakaya para magwagi.

Si Nadal ay naging Wimbledon champion sa taong 2008 at 2010.