-- Advertisements --
IMG 20191104 120625

Labis na ikinadismaya ng Public Attorney’s Office (PAO) ang hindi na naman pagdalo ng mga respondents sa preliminary investigation ng ika-apat na batch ng dengvaxia case na inihain sa Department of Justice (DoJ).

Ayon kay PAO Chief Persida Rueda-Acosta, dahil sa hindi pagdalo ng mga inirereklamo sa pagdinig ay muling ipinagpaliban ang hearing sa Biyernes.

Aniya, ang ika-apat na batch kaso ay kinabibilangan ng 12 biktimang namatay na at isang 11-anyos na survivor na nabulag dahil daw sa epekto ng gamot.

Kasabay ng pagdinig ay binigyan ng DoJ panel of prosecutors ang mga respondents para makapaghain ng tugon o reply affidavit laban sa reklamo ng PAO sa Biyernes.

Dagdag ni Acosta, umabot na sa 147 ang nahaharap sa reklamo kabilang na ang ilan at mga dating opisyal ng Department of Health (DoH) mga opisyal ng Sanofi Pasteur at iba pa.

Umaasa naman ang PAO chief na maglalabas na rin ang DoJ ng resolusyon sa ikalawa at ikatlong batch ng Dengvaxia case dahil matagal na raw naghihintay ang mga magulang ng mga biktima ng hustisya dahil sa pagkamatay ng kanilang anak.