Malabo pa rin ang posibilidad na maabot ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang target nilang pamamahagi sa second tranche ng Social Amelioration Program (SAP) ngayong buwan.
Mula kasi sa 17 million beneficiaries, nasa 3.7 million pa lang ang nabigyan ng P5,000 at P8,000 na subsidiya.
Ayon kay DSWD Spokesperson Irene Dumlao, nasa P22.7 billion ang kanilang pondo ngunit hindi madali ang pag-verify ng mga nasa talaan kaya nagkakaroon ng delay sa buhos ng distribusyon.
Iniiwasan din kasi nilang mapunta sa mga hindi kwalipikadong residente ang ibinibigay na tulong.
Matatandaang naglabasan ang reklamo noong unang tranche ng SAP dahil may mga nagsasabing naghati ng SAP ang ilang pamilya, may mga nabibigyan kahit wala sa listahan at may mga nakatala na bilang nakatanggap ngunit hindi naman pala narating ng naturang subsidiya.










