-- Advertisements --

Mas malawak pa umano ang posibleng tunay na naapektuhan ng cyber hacking sa Estados Unidos, kaysa sa mga inisyal na naiulat.

Sa impormasyong ibinahagi ng Singapore-based IT expert na si Wilson Chua sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi nitong maliban sa mga tanggapan ng gobyerno, militar, business firm at telcos ay lumalabas na ilan pang communication facility ang sinubukan ding pasukin ng hackers.

Hindi naiwasan ng ilan na ikumpara ang pagpasok ng hackers sa “akyat bahay” dahil ang mismong pinagtitiwalaan para magprotekta ng data, ay yun mismo ang dinaanan ng hackers.

Dahil dito, lumaki rin ang demand para sa online security ng malalaking kompaniya.

Samantala, nagpayo naman si Chua ng ilang hakbang para ma-secure ang sariling data.

Aniya may hybrid na sistema, kung saan ang napakasensitibong impormasyon ay huwag na lang ilagay sa internet.

Pero hindi naman umano ito nangangahulugang, dapat tayong bumalik sa “hard copy era,” kung saan kaunting transaksyon, documentation at iba pa ay santambak na papel ang kailangan.