Pinaparatangan ng North Korea ang United Nations Security Council nang pagkakaroon ng double standards sa military activities ng mga U.N. member states, ayon sa state media na KCNA.
Ito ay kasunod na rin nang batikos na natanggap ng North Korea mula sa international community hinggil sa kanilang missile tests kamakailan.
Biyernes nang magpulong ang Konseho kasunod ng requests mula sa United States at iba pang mga bansa hinggil sa missle launches ng North Korea.
Magugunita na kamakailan lang ay nagpakawala ang Pyongyang ng bagong developed na anti-aircraft missile.
Ayon kay Jo Chol Su, director ng Department of International Organizations ng foreign ministry ng North Korea, ang pulong ng UNSC ay nangangahulugan ng “open ignorance of and wanton encroachment” sa kanilang soberayna at nagpapakita rin ng “serious intolerable provocation.”
Nanantili aniyang tikom ang bibig ng UNSC sa U.S. joint militarry exercises at weapons tests kasama ang mga kaalyadong bansa, pero binabatikos ang “self-defensive” activities ng North Korea. (Reuters)