Patuloy na umaani ng mga pagbatikos mula sa ilang grupo ang isa sa mga miyembro ng acoustic band na MYMP, na si Chin Alcantara.

Bunsod ito ng kaniyang Halloween costume, kung saan kinulayan nito ng itim ang kaniyang mukha at tinawag na “nonsense” ang isyung itinutulak ng “Black Lives Matter” sa Estados Unidos.

Matatandaang nagbunsod ng mga kilos protesta sa US ang naturang isyu, matapos mapatay ng pulis ang black American na si George Floyd.

Pero giit ng band member, ginaya lang niya ang kaniyang idolong si Jimi Hendrix at wala siyang pakialam sa mga isyu ng racist attacks sa anumang grupo ng tao.