-- Advertisements --
image 61

Susundin ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ang utos ng Korte Suprema na iulat sa oral arguments ang ilang alalahanin ukol sa Manila Bay.

Sinabi ni MWSS spokesperson Patrick Dizona ang MWSS ay regular na nagsusumite ng ulat sa SC ng mga proyekto at ang kanilang mga nagawa bawat quarter.

Ang mga ahensyang sakop ng SC order ay kinabibilangan ng Metropolitan Manila Development Authority, Department of Environment and Natural Resources, Department of Education, Department of Health, Department of Agriculture, Department of Public Works and Highways, Department of Budget and Management, Philippine Coast Guard , Philippine National Police-Maritime Group, Department of the Interior and Local Government, Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, at MWSS

Kamakailan, inutusan ng High Tribunal ang mga ahensya ng gobyerno na mag-ulat sa oral arguments tungkol sa polusyon sa Manila Bay, kabilang ang mga hakbang na ginagawa ng ahensya, mga reclamation projects, at ang epekto nito sa kapaligiran.

Sa isang en banc session, nagpasya ang SC na magsagawa ng oral arguments hinggil sa kaso ng Metropolitan Manila Development Authority, sa mga nagpetisyon, mgaconcerned residents ng Manila Bay.