Umapela ngayon sa mga pulis si Philippine National Police (PNP) Chief PGen. Nicolas Torre III na i-endorso ang kanilang 911 hotline sa publiko.
Napagalaman kasi ng hepe na bagmat maganda ang naging feedback ng publiko partikular na ang naserbisyuhan sa inisyatibong 5 minute response time rule ng kanilang hanay, marami mga kababayan pa rin ang hindi pa nakakaalam na epektibo na ang paggamit sa naturang emergency hotline.
Sa naging flag ceremony sa kampo kaninang umaga, nagulat ang hepe dahil maraming kababayan pa ang hindi nakakaalam na nagagamit na ang 911 hotline at hindi naniniwala na gumagana ang naturang hotline.
Dahil dito, nanawagan na ng tulong si Torre sa kaniyang mga pulis na i-endorso at muling imungkahi sa publiko na nagana at nagagamit na ang hotline.
Ipakita rin aniya ng kanilang hanay na sa pammagitan ng paggamit sa 911 ay mabilis nang makokontak ang mga pulis para rumesponde sa kanilang mga pangangailangan at mga emerhensiya.
Samantala, naging masaya naman ang hepe na naging positibo ang mga naging feedback ng publiko partikular na ang mga natulungn na ng naturang inisyatibo na naging epektibo ang kanilang 5 minute response time rule.
Ani Torre, nagpapakita lamang aniya ito na nakikilala ng publiko ang serbisyong ginagawa ng kanilang hanay para mapanatili ang kapayapaan at kaligtasan ng mamamayang pilipino.