-- Advertisements --

Pinasinungalingan ni Senator Risa Hontiveros na mayroon itong papanigan sa impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.

Sinabi nito na gagawin niya ng tapat ang trabaho bilang isang senator-judge ng impeachment court.

Bawat ebidensiya aniya ay kaniyang susuriin at hindi ito padadala sa ilang mga puna na ito ay kontra kay Duterte.

Hinikayat din nito si Vice President Duterte na dapat ay sagutin na lamang ang summons na galing sa senado para ipaliwanag ang mga akusasyon sa kaniya.