Iniulat ng Department of Social Welfare ang Development na aabot na sa mahigit 2.9-milyong indigent senior citizens sa Pilipinas ang naabutan nila ng social pension.
Ito ay para sa ikalawang quarter ng kasalukuyang taon.
Ayon kay DSWD Protective Services Bureau Director Edmond Monteverde, aabot sa 2.2 milyong senior citizens ang nakakuha ng tig-P3,000 sa unang bahagi ng 2025.
Pumalo naman sa kabuuang 751,022 ang nakatanggap ng tig P6,000 para sa una at ikalawang quarter.
Ang social pension para sa indigent seniors sa bansa ay alinsunod sa Republic Act 11916 kung saan itinaas na ito sa P1,000 kada buwan mula noong unang buwan ng nakalipas na taon.
Patuloy naman na sinisikap ng ahensya na maiayon sa tamang panahon ang social pension para sa mga senior sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa mga lokal na pamahalaan.