-- Advertisements --
Tiniyak ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System Regulatory Office na kanilang iimbestigahan ang panibagong water interruption ng Maynilad.
Nitong nakaraang araw kasi ay nagpatupad ng panibagong water interruptions ang Maynilad sa ilang bahagi ng Metro Manila at Cavite dahil umano sa paglabo ng suplay ng tubig mula sa Laguna Lake.
Mula kasi sa dating 280 milyon hanggang 300 milyon litro kada araw na produksyon ay nasa 260 na lamang na ito napoproseso ng Maynilad.
Sinabi ni MWSS officer in charge Lee Robert Britanico na patuloy ang kanilang monitoring bilang bahagi ng mandato ng kanilang opisina.
Paglilinaw pa nito na hindi aniya nila mapapatawan ng penalty ang Maynilad dahil sa hindi sumubra sa 15 na sunod-sunod ang water interruptions.