Tinawag ng Chinese Embassy sa Maynila ang Mutual Defense Treaty sa pagitan ng Pilipinas at Amerika bilang tanda umano ng Cold war.
Ito ang inihayag ni Chinese embassy Counselor Ji Lingpeng matapos ngang igiit ni US Secretary of State Antony Blinken sa kaniyang official visit sa bansa ang kahalagahan ng pagpapaigting pa ng ilang dekada ng alyansa ng Amerika at Pilipinas sa pagharap sa mga hamon sa rehiyon at sa buong mundo.
Sinabi din ni Blinken na ang mahalaga sa Pilipinas ang nasabing waterways, maging sa seguridad at ekonomiya ng ating bansa gayundin sa interest ng rehiyon, US at buong mundo. Ito aniya ang dahilan kayat kaisa ang Amerika sa PH at naninindigan sa hindi natitinag na defense commitments nito kabilang na sa ilalim ng Mutual Defense treaty.
Nagpahayag din ng pangamba si Blinken kaugnay sa insidente kamakailan sa WPS na banta sa malaya at bukas na Indo-Pacific.
Bilang tugon, hinimok ng Chinese embassy ang US na huwag mag-udyok ng gulo o kumampi dahil wala umani itong karapatang mangialam sa maritiem issues sa pagitan ng China at PH.
Mariing tinutulan din ng embahada ang aniya’y thinly veiled threat ni Blinken para iinvoke ang US Mutual Defense Treaty sa PH sa gitna ng tensiyon sa WPS.
Gayundin tinutulan ng embahada ang walang basehang akusasyon ni Blinken sa umano’y lehitimo at legal na aksiyon ng China sa kanilang inaangking karagatan.
Sa ngayon, walang inilalabas na pahayag ang US Embassy sa Maynila kaugnay sa statement ng Chinese embassy.