-- Advertisements --

Hinimok ng ilang Muslim groups si Pangulong Rodrigo Duterte na banggitin ang extension ng Bangsamoro Transition Authority bilang urgent matter sa huling State of the Nation Address (SONA) nito.

Kaugnay nito, nagsagawa ng caravan sa Metro Manila ang United Imam of the Philippines, Moro Ako, and the Coalition of Moro Youth Movement (CMYM).

Sa isang statement, sinabi ng grupo na ang pagsasagawa ng caravan ay pinakamagandang pagkakataon na rin para maipakita nila kay Pangulong Duterte pati na rin sa Kongreso ang suporta ng mga taga Bangsamoro Autonomos Region in Muslim Mindanao (BARMM) hinggil sa extension ng BTA.

Ayon sa CMYM, nagtipo-tipon ang mga participants ng “Caravan for Peace” sa harap ng Senado kaninang alas-8:00 ng umaga at dumiretso naman sa Batasang Pambansa Complex pagkataps.

Sinabi ng United Imam of the Philippines’ Sultan Alim Saad Amat na ang extension ng BTA ay makakatulong sa peace process.

Sa ngayon kasi, sinabi ni Moro Ako president Atty. Najeeb Taib na ang kasunduan sa pagitan ng gobyerno ng Pilipinas at ng Moro Islamic Liberation Front ay hindi pa tunuyang naipapatupad.