BAGUIO CITY – Nakiisa ang Muslim Community sa prayer rally para kay Mayor Benjamin Magalong sa Baguio City dahil sa mga natatanggap nitong death threat kasunor ng pagtestigo nito sa Senado ukol sa mga ninja cops.

Ayon kay Atty. Yasser Guru, lider ng National Commission on Muslims Filipinos ng Baguio-Benguet, nasa 400 na mga Muslim ang sumama sa ecumenical service para sa CIDG chief.

Ayon pa sa kanya, bukas-loob tumulong ang Muslim Community para mapanatili ang seguridad at katahimikan sa buong City of Pines.

Dagdag pa niya na malaki ang suporta ng mga Muslim na kagaya niya para kay Mayor Magalong dahil nakita nila ang pagsisikap ng alkalde sa sa kanyang tungkulin.