BAGUIO CITY – Nakikiisa ang Muslim community dito sa Baguio City sa pagunita sa huling araw ng Ramadan o ng Eidul Fitr.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Imam Samsudin Monib, sinabi nitong magsasagawa sila ng panalangin sa Baguio Athletic Bowl.

Susundan aniya ito ng Al Fitra o pagbibigay ng tulong sa mga kapos-palad gaya ng 30 kilong bigas.

Naging kaugalian na raw nila na magkaisa at magbigay ng tulong sa isat-isa tuwing Eidul Fitr.

Sinabi ni Monib na maganda ang pagtatapos ng kanilang pagsusumikap at pagsasakrispisyo sa loob ng 30 araw at gabi upang malinis ang kanilang sarili mula sa mga nagawang kasalanan.