-- Advertisements --
Nabili na ng pinakamayamang tao sa buong mundo na si Elon Musk ang kumpanyang Twitter.
Aabot sa $44 bilyon ang halaga ng pagkakabili ng Tesla president.
Dahil dito ay maraming mga matataas na opisyal ng Twitter kasama na dito ang may-ari nito na si Parag Agrawa ay tinanggal na sa puwesto.
Personal na inalalayan ang mga ito palabas ng Twitter headquarter sa San Francisco.
Inilhain ni Musk ang pagbili nito ng Twitter sa US Securities and Exchange Commission.
Pansamantala ring sinuspendi ng New York Stock Exchange ang trading sa shares ng Twitter para magbigay daan sa epektibong merger.
Ang nasabing pagbili ni Musk ng Twitter ay isinapinal matapos ang ilang linggong hindi matuloy-tuloy dahil sa kawalan ng solidong pag-uusap.