KORONADAL CITY – Patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad matapos tambangan nitong araw sa isang opisyal ng Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.

Kinilala ni Col. Ronald Briones, provincial director ng Maguindanao PNP, ang biktima na si Phoebe Cates Pimentel, municipal treasurer ng Datu Saudi; pati ang driver nito na si Edwin Masukat.

Batay sa ulat, binabaybay ng dalawa ang kabahaan ng kalsada sa bahagi ng Brgy. Taviran nang pagbabarilin ang mga ito ng riding in tandem suspects.

Bagamat nagtamo ng sugat sa balikat ay nagawa pa raw magmaneho ni Masukat at makahingi ng tulong sa pinakamalapat na detachment ng militar. Pareho rin ang injury ni Pimentel.

Sa ngayon nagpapagaling na ang dalawa sa ospital.

Nabatid na may dalang P6-milyon na cash ang dalawa nang tambangan ng mga salarin.