CAGAYAN DE ORO CITY- Kinumpirma ni Militbog Municipal Police Station Commander Pol. Capt. Hubert Perol na may nangyaring vote buying sa Militbog, Bukidnon.

Sinabi ni Capt. Perol na naaktuhan ng retired police na namimigay ng pera ang tumatakbong councilor ng lungsod kung kaya’t hinuli niya ito sa pamamagitan ng Citizens Arrest.

Ngunit pagdating sa presinto ay nalaman ng retired police na ang kanyang hinuli ay pamangkin pala ng kanyang asawa kung kaya’t nagkasundo silang hindi na itutuloy ang pagsasampa ng kaso.

Una nang nanawagan ang Comelec at simbahan sa publiko na huwag ipagbili ang kanilang boto at piliin ang tamang kandidato.