-- Advertisements --

Nahigitan na ng Mumbai, India sa dami ng kaso ng coronavirus disease 2019 o COVID-19 ang Wuhan, China.

Pumalo na kasi sa mahigit 51,000 ang nasabing kaso sa lugar.

Dahil sa nasabing bilang ay pumalo na rin sa kabuuang 266,598 na ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 ang Mumbai.

Patuloy din ang pagtaas ng kaso sa Delhi kung saan inasahan ng mga eksperto na ito ay tataas ng hanggang kalahating milyon ang bilang hanggang sa katapusan ng Hulyo.

Itinuturong dahilan ng biglaang pagtaas ng kaso sa lugar ay mula ng luwagan ng India ang restriction matapos ang tatlong buwang lockdown.

-- Advertisement --

Magugunitang unang kumalat ang nasabing kaso sa Wuhan, China kung saan dito rin sa lugar naitala ang pinakamaraming kaso.