Itinigil ang loan negotiations sa pagitan ng Pilipinas at China sa multi-billion peso na infrastructure projects noong huling bahagi na ng termino ng dating adminsitrasyong Duterte.
Ito ang ibinulgar ng Senate finance sub-committee ‘’K’’ na pinamumunuan ni Senator Grace Poe sa proposed budget para sa 2023 ng DOTr na P167.12 billion.
Tinawagan naman ng pansin ni Senator Nancy Binay ang DOTr sa pagpapatuloy ng pagkumpleto sa big-ticket railway projects ng gobyerno at ang kakulangan ng katiyakan sa funding.
Sinabi naman ni DOTr Undersecretary Timothy John Batan na inaasahang opisyal na magpapatuloy ang loan negotiations sa pagitan ng gobyerno ng China at Department of Finance ng Pilipinas at magagarantiyahan ang nasabing loan sa kalagitnaan ng taong 2023.
Kinuwestyon naman ni Senator Poe ang kapansin-pansin na 120.45-percent increase sa proposed allocation ng pondo ng DOTr mula sa P75.827 billion budget nitong noong taong 2020 sa kabila ng pagbaba ng appropriations para sa aviation, maritime at road sectors para sa taong 2023.
Ito aniya ang pinakamataas sa lahat ng national government agencies.
Kung kayat ayon sa Senadora kanilang i-evaluate ang massive increase sa pondo ng ahensiya.