-- Advertisements --
sk elections

Nakatakdang idaos ngayong araw ang multi-agency send-off and turnover ceremony para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections 2023 sa darating na Oktubre 30, 2023.

Ito ay gaganapin sa PNP National Headquarters sa Camp Crame, Quezon City na bahagi pa rin ng paghahanda ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan para sa naturang halalan.

Sa naturang seremonya ay inaasahang pangungunahan ng iba’t ibang matataas na opisyal ng ahensya ng gobyerno kabilang na sina PNP chief Police General Benjamin Acorda Jr., AFP chief of staff General Romeo Brawner Jr. PCG commandant Admiral Ronnie Gavan, COMELEC chairman George Garcia at Vice President at Education Secretary Sara Duterte-Carpio.

Kabilang sa mga ide-deploy ay ang mga tauhan ng Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine Coast Guard (PCG), Department of Education (DepEd) at Commission on Elections (COMELEC) upang tiyakin na magiging mapayapa ang pagdaraos ng BSKE2023.

Kung maaalala, una nang nagpakalat ng kabuuang 187,000 na kapulisan ang Pambansang Pulisya na bahagi ng kanilang ipinatupad na heightened alert status sa buong PNP, katuwang ang mga sundalo at coast guard upang magbantay sa naturang halalan sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas.