Joey Bautista
Joey Bautista/ FB image

Kinumpirma ng asawa ni Joey Bautista ang singer ng classic pop-rock band na Mulatto na namatay ito dahil sa coronavirus disease (COVID-19).

Ayon kay Belinda Bagatsing, na agad na nai-cremate ang bangkay nito nitong Marso 19 sa araw na ito ay namatay.

JOEY BAUTISTA 1
Belinda Bagatsing/ FB image

Dumanas pa noon ang singer ng pneumonia na nagpalala sa sakit nito.

Huling tumugtog pa ito noong Marso 11 sa Albay kahit na ito tinatrangkaso na.

Pinayuhan din nito ang mga nakasalamuha ng asawa na imonitor ang kanilang sarili at magpasuri para matiyak na hindi sila nahawaan ng coronavirus.

Maging siya ay naka-quarantine ng 21 araw kahit na wala itong nararamdamang sintomas.