Isasagawa na sa Agosto 30 ang MTV Video Music Awards (VMA) sa New York.

Ito ay matapos na aprubahan ni New York Governor Andrew Cuomo ang pagsasagawa ng nasabing aktibidad.

Gaganapin ang nasabing ceremony sa Barclays Center sa Brooklyn kung saan may mga ipapatupad ang mga ito ng protocols.

Hindi naman binanggit ng organizers kung ilan ang bilang ng mga audience na kanilang papayagan na manood.

Nakatakda rin nilang ianunsiyo ang magtatanghal sa nasabing awarding ceremony sa mga susunod na araw.