-- Advertisements --

Inamin ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) na marami silang natatanggap na mga pagpapalabas ng mga malalaswa sa mga pelikula, telebisyon, online streamings at maging sa mga contents.

Sinabi ni MTRCB chairperson Diorella Maria “Lala” Sotto-Antonio, na halos araw-araw ay may natatanggap sila na reklamo kung saan labis na naapektuhan dito ang mga kabataan.

Nagbigay ito ng suporta sa pagpasa na ng Video and Online Games at Outdoor Media Regulation Act.

Handa rin aniya ang ahensiya na mapalawig ang kanilang kapangyarihan para lumawak ang kanilang mga masasakupang mga media outlets.